Trish Montes is a Working student currently in the Philippines

Kinukulang nga ba ng Doktor sa Pilipinas? Kakulangan sa pangangalaga kalusugan

Ano ang nangyayari? / Unsay gakahitabo?

Ayon sa Philippine Medical Association (PMA), ang kakulangan sa doktor ay inaasahang aabot sa higit sa 900 libo kapag ang populasyon ng bansa ay aabot na ng 100 milyon ngayong taon. Sa isang panayam sa isang tanyag na doktor, ang iminumungkahi na ratio sa bawat isang doktor ay isang daang populasyon. Samakatuwid, ang Pilipinas ay dapat mayroong 100 libong doktor dahil sa populasyon nitong 100 milyon. Ayon sa presidente ng Philippine Medical Association, ang bilang lamang ng aktibong doktor sa Pilipinas ay pitumpung libo lamang na nagbibigay-serbisyo sa 100 milyong Pilipino. Sa nakaraang sampung taon, mayroong mga sampung libong doktor ang kumuha ng narsing at nagtrabaho sa ibang bansa. Ang iba naman ay nagretiro o tuluyan nang nanirahan sa ibang bansa. Dagdag pa ng presidente ng asosasyon, mayroon talagang dapat baguhin sa mentalidad ng mga Pinoy ukol sa pangangalaga sa kanyang kalusugan.


Mga pangyayaring buhat ng kakulangan ng doktor. / Mga panghitabo nga nahitabo kay gamay ra ang doktor.

Sa ibang pinakamaliliit na barangay, mayroong mga pangyayari na dapat bigyang-pansin upang mamulat tayo sa mga posible at mga naganap na dahil hindi mahagilap ang mga doktor. Sa isang maliit na bayan, meron nang naganap na isang babae sa kasagsagan ng baha, habang naglalakad patungo sa “lying-in” ay nakapanganak sa daan dahil hindi na niya mapigilan pang lumabas ang bata sa kanyang sinapupunan. Tinulungan na lamang siya ng mga taong malapit sa daan at mga kasama niya. Buti nalang at wala namang masamang nangyari sa nanay at sa bata.


Mayroon ring mga lugar na hindi inaabot ng doktor ang may maling akala ukol sa pagtatae. Sa ibang nakaugalian, ang may diarrhea ay hindi pinapainom ng tubig dahil baka lumubha ang kondisyon. Dahil sa pagbabawal uminom ng tubig sa batang may diarrhea, mayroon nang nawalan ng buhay. Buti na lang sana kung inabot sila ng doktor at nabigyan agad ng lunas at wastong mga kaalaman. Marami ring mga bata sa kasuluk-sulukan ng mga lugar ang namamatay sa pneumonia dahil hindi man lamang sila nakakapag-konsulta sa doktor dahil sa layo at mahal ng pamasahe. Sa mga kadahilanang ito, kung minsan huli na ang lahat para sa batang may pneumonia ang makapag-pagamot at ang hantungan nila ay pagkamatay.


Kailangan rin ng kaukulang kaalaman ng mga nanay at tatay sa malalayong lugar na delikado ang tigdas. Dahil sa komplikasyon nito, maraming bata ang namamatay nang hindi pa man lang nakikita ng doktor.


May iba ring nagkaka-stoke lang bigla dahil hindi namomonitor ang kanilang “blood pressure”. Sa sandaling umatake ang mataas na BP ng mayroong dinaramdam na sakit, dali-dali na ang epekto at kung nabigyan lang sana ng kaukulang gamot ay mapipigilan pa.


Mayroon ring nakakagat ng aso at natitinik sa mga baryo ang hindi inaabot ng doktor upang makonsulta. Karaniwan na sa ibang mga probinsiya ang may namamatay sa rabies at tetanus dahil hindi nila napupuna ang bigat ng epekto ng rabies at tetanus sa pasyente – kung gaano ito kaseryoso at gaano ito nakamamatay.


Ang maagang pag-responde sana sa kanila ng “health professionals” lalo na ng mga doktor ay makakaagap sa mga komplikasyon ngunit kung minsan ay naisasawalang-bahala na lamang. Dahil rin sa kaunting bilang ng mga doktor, ang ilan ay hindi na sumasangguni pa sa kanila dahil napakahaba ng linya sa health centers at pinipigilan rin sila ng kakulangan ng pera. Kung masusunod lamang na bawat isang daang tao ay may isang doktor, ang bawat indibiduwal ay naaabot dapat ng tulong-medikal.


Isa pang halimbawa ng mga kaganapan na emerhensya at kailangan sana ng doktor agad-agad ay ang pagkamatay ng iba dahil sa “allergic reaction”. May malulubha itong klase na umaapekto sa paghinga. Madali sana itong naaagapan ng gamot ngunit dahil walang makapag-bigay ng tulong sa mga malalayong lugar ay kung minsan ay namamatay ang pasyente.


Nakakapanlumong malaman na maraming namamatay dahil sa kakulangan ng doktor. Ang tunay na kailangan ng ating bansa ay marami pang scholarship para sa mga kumukuha ng medisina. Marapat suportahan ang bawat nagdo-doktor na kabataan at dapat pag-igihin pa ng gobyerno na damihan ang mga doktor na nagseserbisyo sa mga komunidad at hindi lamang sa mga ospital.


The Philippine Medical Association (PMA) said that the shortage is expected to reach 930,000 when the country’s population reaches 100 million in 2014. PMA president Leo Olarte said the “internationally-suggested” ratio is one doctor per 100 population. The Philippines should then have one million doctors, given the population of 100 million. Olarte said the Philippines has only 70,000 “active” PMA members to serve some 100 million Filipinos.


However, Health Secretary Enrique Ona disputed claims of a shortage of doctors. But Ona said the country has “more than enough” doctors, with 30 medical schools in the Philippines producing 4, 500 physicians every year. He said the passing rate in the medical board exam last year was 74 percent. He said that the problem really is "the maldistribution of physicians and the lack of incentives” for doctors serving rural communities.




 

...Continue reading

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)